Latest News
INVITATION TO THE PRESIDENT’S MEETING WITH THE FILIPINO COMMUNITY, 6 SEPTEMBER 2022

AD-060-2022

(29 August 2022, Singapore) The Philippine Embassy in Singapore informs our kababayans that President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. will be in Singapore on 6-7 September 2022 for a State Visit, upon the invitation of Singapore President Halimah Yacob.

The Philippine Embassy arranged a meeting between President Marcos Jr. and the Filipino Community (FilCom) on Tuesday, 6 September 2022, at the University Cultural Centre Ho Bee Auditorium, National University Singapore. The gates will open at 2:00 PM and close at 5:00 PM. The main event will start at 6:00 PM. 

As we are still in the middle of the pandemic, the number of attendees at the FilCom Meeting will be limited to ensure the safety and health of everyone in attendance. 

The Embassy will implement an online pre-registration system. Kababayans who wish to attend the FilCom Meeting must register through this link: bit.ly/PBBMinSingapore2022. Only registered kababayans who are fully vaccinated will be allowed inside the venue due to strict security measures. The online pre-registration system is open from today, 29 August until Sunday, 4 September 2022, or when all seats have been taken. Slots will be opened progressively. 

Please be informed that the event will be streamed live through RTVM’s and the Embassy’s FaceBook page for those unable to attend physically. Further details will be announced shortly.

Magkita-kita po tayo sa darating na Martes! (END).

 

PAANYAYA PARA SA PAGTITIPON KASAMA NI PANGULONG FERDINAND ROMUALDEZ MARCOS JR. AT MGA PILIPINO SA SINGAPORE, 6 SETYEMBRE 2022

(29  Agosto 2022, Singapore) Inaabisuhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga kababayan sa Singapore na darating si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa Singapore sa Martes at Miyerkules, 6-7 Setyembre 2022, sa imbitasyon ni Pangulong Halimah Yacob ng Singapore.

Isang pagtitipon ni Pangulong Marcos Jr.  kasama ang Filipino Community (Filcom) sa Singapore ang pinaghahandaan ng Emabahada ng Pilipinas sa susunod na Martes, ika-6 ng Setyembre  2022, sa University Cultural Centre Ho Bee Auditorium ng National University Singapore. Ang Bulwagan (Auditorium) ay magbubukas ng 2:00 ng hapon (2:00 PM) at magsasara ng 5:00 ng hapon (5:00 PM). Ang pangunahing programa ay magsisimula ng ika-anim ng gabi (6:00 PM). 

Dahil tayo ay nasa gitna pa ng pandemya, ang bilang ng mga dadalo sa pagtitipon ay magiging limitado upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng dadalo sa pagtitipon.

Ang Embahada ay magpapatupad ng online pre-registration system. Ang mga kababayan na nais dumalo sa pagtitipon ay maaring magparehistro lamang dito: bit.ly/PBBMinSingapore2022.

Asahan ang mahigpit na seguridad na ipatutupad sa araw ng pagtitipon. Ang mga bakunadong kababayan lamang na nagparehistro para sa pagtitipon ang maaari lamang makapasok sa loob ng Bulwagan (Auditorium). Ang online pre-registration system ay magbubukas ngayon, 29 Agosto hanggang 4 Setyembre, o hanggang mapuno na ang bilang ng mga upuan sa bulwagan. Paunti-unti ang pagbubukas ng mga slots para sa pagtitipon.

Para sa mga hindi makakadalo, maaring mapanood ang FilCom Meeting na ipapalabas nang live sa Radio Television Malacañang (RTVM) at sa Facebook page ng Embahada.

Magkita-kita po tayo sa darating na Martes!