Latest News
Panawagan sa mga Pilipino sa Singapore

safe_image

3 June 2015

Ang 28th Southeast Asian Games (28th SEA Games) ay kasalukuyang ginaganap sa iba’t-ibang lokasyon dito sa Singapore.

Kasunod ng nauna naming panawagan, hinihikayat namin ang lahat ng mga kababayan natin sa Singapore na suportahan ang Team Philippines sa 28th SEA Games hindi lamang sa pamamagitan ng panonood sa kanilang mga laro kundi pati na rin sa pagdadasal para sa kanilang tagumpay at sa iba pang paraan na makakatulong para ma-i-angat ang antas ng kanilang pakikipagpaligsahan.

Bagamat maraming laro ay wala ng ticket na mabibili, pinapayuhan po namin ang lahat na gustong manood na buksan ang web site ng 28th SEA Games https://www.seagames2015.com/ para makita kung meron pang ticket na mabibili para sa laro na gustong panoorin.

Pwede din pong i-download ang mga applications na ito sa mga smart phones para sa mga schedule at resulta ng laro:

  1. SEA Games Results App
  2. SEA Games TV App

Mangyari po lamang na laging maging mahinahon habang nanonood sa laro at iwasan ang mga sitwasyon na magkakainitan sa mga fans ng kabilang mga teams para sa mapanatili ang layunin ng 28th SEA Games na maging tulay at kasangkapan para lalo pang mapalakas ang pagkakaintindihan ng mga manlalaro at ng kanilang mga fans galing sa iba’t-ibang bansa na lumahok sa torneyo.

Maraming salamat sa inyong suporta sa Team Philippines.

Mabuhay!

 

PASUGUAN NG PILIPINAS SA SINGAPORE