Latest News
Additional information for Special Professional Licensure Board Examinations (SPLBE) for Teachers in Singapore

Karugtong ng nauna na naming post, narito ang pamamaraan ng pag-apply online para sa mga interesadong kumuha ng exam sa 29 March 2015:

1. Pumunta sa official website ng PRC (www.prc.gov.ph)

2. Sa home page, go to quick links (nasa bandang kanan) at i-click ang online appointment system

3. Pumunta sa examination details at sagutan ang mga sumusunod:

  • Date Filed (Kailang nag apply)
  • Name of Examination (Select Professional Teachers (SPLBE)
  • Date of Exam (just click at lalabas ang petsa na March 29, 2015)
  • Place of Exam (click again at lalabas ang Singapore)
  • Exam Type (repeater?; depende sa kukuha ng exam)

4. Sa halip na cedula, pakilagay ang passport details

5. Maghintay ng susunod na hakbang ng gagawin. Magbibigay ng update and Labor Office ng Philippine Embassy.

Sa mga nakapag submit online sa PRC, mangyari po lamang na paki-email ang pangalan sa polosingapore@yahoo.com