Latest News
Announcement for Special Professional Licensure Board Examinations (SPLBE) for Teachers in Singapore

Maari nang mag apply sa On-line Application System (OAS) ng Philippine Regulations Commission (PRC) para sa mga gustong kumuha ng SPLBET.  Pumunta sa PRC website, http://prc.gov.ph/online/application/apply.aspx.

Ang special board examination ay gaganapin sa ika 29 ng Marso, 2015, sa Singapore.  Hahatiin sa dalawang kategorya ang mga mag qualify na kukuha ng exam:

  1. Para sa mga nagtapos ng kurso sa Bachelor of Elementary Education at;
  2. Mga nagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education.

Kailangang ihanda ang mga sumusunod na requirements at isumite sa Labor Office ng Philippine Embassy.

  1. Photocopy ng Transcript of Records
  2. Photocopy ng valid passport
  3. Four (4) 2×2 pictures, with name tag in white background

Ang PRC ang mag-evaluate kung ang aplikante ay qualified upang makakuha ng exam at saka lamang pwedeng magbayad ng examination fee.

Magkakaroon ng update of announcement bago dumating ang naturang pagsusulit, katulad ng kung saan gaganapin ang examination at saan magbabayad ng examination fee.