Latest News
TATLONG ARAW NA LANG ANG ENROLLMENT PARA SA OVERSEAS ONLINE VOTING
Print Friendly, PDF & Email

EMBASSY ADVISORY | AD-032-2025

SINGAPORE, 4 May 2025 – Tinatawagang pansin ng Embahada ang lahat ng mga registered Filipino overseas voters sa Singapore na mayroon na lamang tatlong (3) araw na natitira upang makapag-enroll for online voting. Ang enrollment portal ay bukas lamang hanggang Miyerkules, 7 May 2025. 

 

Binibigyang diin ng Embahada na tanging mga registered Filipino overseas voters na nakapag-enroll para sa online voting ang maaaring makaboto sa #Halalan2025.

Ang halalan ngayong taon ay ginawang mas convenient at accessible para sa lahat. Lubusin ang pagkakataong makapag-enroll upang hindi na kailangang pumunta pa ng Embahada. Once nakapag-enroll na for online voting, maaari ka nang bumoto kahit nasaang lugar at kahit anong oras. Walong araw (8 days) na lamang ang nalalabi upang makaboto. Ang voting period ay magtatapos sa Lunes, 12 May 2025 at 7:00 PM.

 

Kung nakakaranas ng technical difficulties sa pagopen ng links mula sa inyong social media accounts, bisitahin lamang ang website ng Philippine Embassy in Singapore (https://www.philippine-embassy.org.sg/overseas-voting-for-2025-national-elections/) at pindutin ang button para sa Enrollment for online voting.

 

Inaasahan namin ang buong pakikipagtulungan at suporta ng ating Filipino Community sa Singapore sa matagumpay na #Halalan2025. 

HTML Snippets Powered By : XYZScripts.com
Disable mouse on posts and pages plugin by jaspreetchahal.org