PRESS RELEASE | PR-304-2026
Magandang balita mga kabayan!
Ginawaran ng Commission on Elections (COMELEC) ang Philippine Embassy sa Singapore bilang Top 2 Highest Performing Post sa Asia-Pacific para sa Overseas Voter Registration.
Nais namin magpasalamat sa buong Filipino Community sa Singapore sa aktibong pakikiisa sa pag rehistro bilang isang overseas voter upang matiyak na makaboboto sa susunod na halalan sa taong 2028.
Patuloy pa rin ang OV registration hanggang 30 September 2027. Kaya sa mga kababayan na nais magparehistro o mag-update ng kanilang OV records, huwag magpahuli: mag-book na ng appointment para magpa-rehistro.
Dalhin lamang ang mga sumusunod:
- ➡️Valid Philippine Passport; OR
- ➡️Para sa mga seafarers: Seafarer’s Record Book (SRB);
- ➡️Para sa dual citizens: Original or certified true copy of Order of Approval of Filipino Citizenship or Identification Certificate.
- ➡️Sa mga magpapalit ng kanilang apelyido sa married name or magbabalik sa maiden name: PSA marriage certificate, annotated PSA documents, o iba pang valid supporting documents.
Bisitahin ang website ng Philippine Embassy para sa mga detalye ng Overseas Voter Registration: https://www.philippine-embassy.org.sg/overseas-voter-registration.


