PR-022-2025
Kung kayo ay nangangailangang kumuha ng Philippine National Police (PNP) clearance, mangyaring bisitahin lamang ang National Police Clearance System ng PNP sa opisyal na website na https://pnpclearance.ph. Ito lamang ang lehitimong online platform para sa pagproseso ng inyong Police Clearance.
Ang PNP at ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay mahigpit na nagpapaalala sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na gamitin lamang ang mga opisyal na website ng mga tanggapan ng gobyerno upang maiwasang maging biktima ng anumang panloloko at protektahan ang inyong mga personal na impormasyon.
Maging mapanuri, manatiling alerto at huwag hayaang maging biktima ng anumang uri ng scam.
