Latest News
OVERSEAS ONLINE VOTING ENROLLMENT REMINDER
Print Friendly, PDF & Email

PRESS RELEASE | PR-098-2025

Huling sampung araw bago matapos ang 30-day overseas voting period na nagsimula noong 13 April 2025 at magtatapos sa darating na Lunes, 12 May 2025 at 7:00 PM.

Huwag sayangin ang pagkakataon.  Sa mga hindi pa nakakapag-enroll for online voting, lubusin ang natitirang limang (5) araw bago matapos ang self enrollment para sa online voting sa darating na Miyerkules,7 May 2025.

 

Napakadali at hassle-free ang pag-enroll for online voting. Gamit lamang ang inyong passport, mobile phone o kahit anong smart device na may built-in camera at internet, pumunta lamang sa phinsg.com/prevotingenrollment at sundin ang simpleng instructions. Siguraduhing may sapat na liwanag sa pagkuha ng inyong passport at facial recognition.

TANDAAN! Tanging mga rehistradong Filipino overseas voters na nakapag-enroll for online voting ang maaaring bumoto sa #Halalan2025.

Kung kayo ay nakaranas ng technical difficulties at nais humingi ng tulong sa Embahada, maaring magbook ng schedule para sa Gabay Botante Enrollment Support Session: phinsg.com/enrollmentsupport.

 

#VoteFromHome #VoteAnywhere #OVinSingapore #Halalan2025 #MakaBAGOngHalalan #ParasaMakaBAGOngPilipino






HTML Snippets Powered By : XYZScripts.com
Disable mouse on posts and pages plugin by jaspreetchahal.org