EMBASSY ADVISORY | 10 MAY 2025
Magandang balita mga kabayan! Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na ang online voting self-enrollment para sa 2025 National Elections ay extended hanggang 12 May 2025, 12:00 ng tanghali, para masigurong mas maraming overseas voters ang makaboto sa #Halalan2025.
Tinatawagang pansin ang mga rehistradong Filipino overseas voters na hindi pa nakakapag-enroll sa online voting na mayroon na lamang dalawang (2) araw bago matapos ang Philippine Overseas Voting period sa darating na Lunes, 12 May 2025.
Sa mga sumubok na mag-enroll ngunit nakaranas ng problemang teknikal, maaaring pumunta sa Embahada upang magpatulong sa kanilang enrollment. Magbook ng Gabay Botante Enrollment Support Session sa link na ito: phinsg.com/enrollmentsupport at dalhin lamang ang passport para sa voter identification at verification step.
Bukas ang Embahada sa mga sumusunod na araw:
11 May 2025, Linggo | Gabay Botante Support Sessions 9:00 AM – 5:00 PM |
12 May 2025, Lunes | Gabay Botante Support Sessions 9:00 AM – 7:00 PM |
Ang pagboto ay isang karapatan at tungkulin bilang isang responsableng mamamayan. Makilahok sa 2025 National Elections. Huwag palampasin ang pagkakataong makaboto ngayong halalan. /END.
#VoteFromHome #VoteAnywhere #OVinSingapore #Halalan2025 #MakaBAGOngHalalan #ParasaMakaBAGOngPilipino #PHinSingapore #DFAForgingAhead