Latest News
One Week Before Election!
Print Friendly, PDF & Email

PRESS RELEASE | PR-067-2025

Kabayan, one week na lang before election! Nakapag-pre voting enrollment ka na ba?

Tandaan! Tanging mga rehistradong botante lamang sa Singapore na nakapag-prevoting enrollment ang maaaring bumoto sa #Halalan2025.

Kung kayo ay hindi pa nakakapag-prevoting enrollment, ihanda ang inyong passport at smart device na may camera at internet, pumunta lamang sa phinsg.com/prevotingenrollment at sundin lamang ang mga simpleng instructions dito. 

Kung kayo ay may mga kaibigan, ka-trabaho o may mga kakilala na rehistradong botante at hindi pa nakakapagpre-enrollment, maaari lamang na paalalahanan ang mga ito tungkol sa online voting para sa #Halalan2025. Tandaan, ang pre-voting enrollment at online voting ay walang bayad.

INUULIT po ng Embahada na tanging online voting lamang ang pamamaraan ng pagboto para sa eleksyon ngayong taon. 

Kung kayo ay may mga katanungan, maaaring magsend ng SMS sa Embassy Overseas Voting Help Desk via WhatsApp Hotline: +65 90158395 o email via ovreg.sgpe@gmail.com.

HTML Snippets Powered By : XYZScripts.com
Disable mouse on posts and pages plugin by jaspreetchahal.org