Latest News
MGA PILIPINONG BOTANTE, PATULOY ANG PAG-ENROLL PARA MAKALAHOK SA OVERSEAS ONLINE VOTING
Print Friendly, PDF & Email

PRESS RELEASE | PR-088-2025

SINGAPORE, 23 April 2025 – Nagpapasalamat ang Embahada sa aktibong suporta at pagtangkilik ng mga Pilipinong botante sa Singapore sa overseas online voting para sa Halalan 2025. Nagsimula ang enrollment noong 22 Marso at magtatapos sa 7 May 2025. 


Bilang tugon sa mga kababayan nating nahihirapan o nagka-issue sa online enrollment,  inilunsad ng Embahada ang Gabay Botante Enrollment Support Sessions na nagsimula noong 13 Abril 2025, sa unang araw ng eleksyon. Sa kasalukuyan, higit 60 na botante na ang natulungan sa mga sessions na ito.


Para sa mga nangangailangan pa ng tulong o nakaranas ng mga technical difficulties matapos subukang mag-enrol, kayo ay maaaring magbook ng schedule para sa support session mula Lunes hanggang Linggo, mula 9:00 AM hanggang 2:00 PM. Pumunta lamang sa link na ito: phinsg.com/enrollmentsupport. Para sa maayos at mabilis na serbisyo, wala pong walk-ins para sa support sessions, kaya mahalagang magpa-appointment online.

Hinihikayat ng Embahada ang iba pang registered Filipino overseas voters na mag-enroll para sa overseas online voting. 

Tandaan: Tanging mga rehistradong botante na nakapagenroll sa online voting ang maaaring makaboto sa #Halalan2025. /END

HTML Snippets Powered By : XYZScripts.com
Disable mouse on posts and pages plugin by jaspreetchahal.org