PRESS RELEASE | PR-069-2025
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng rehistradong overseas voters sa Singapore na nakatapos na ng kanilang pre-voting enrollment para sa #Halalan2025!
Para naman sa mga hindi pa nakakapag-enroll, lubos na pinapaalalahanan ng Embahada ang mga rehistradong overseas voters sa Singapore na kinakailangang magsagawa ng pre-voting enrollment ang mga nais bumoto sa #Halalan2025.
Narito ang ilan sa mga sagot sa mga Frequently Asked Questions o katanungan ukol sa #Halalan2025 na inihanda ng Embahada, sa pakikipagtulungan sa Commission of Elections (COMELEC), para sa mga kababayan sa Singapore. Inaanyayahan ang bawat isa na basahin, alamin at intindihin nang mabuti ang bawat ito.
Tulad ng mga nagdaang halalan, katuwang ng Embahada ang bawat Pilipino sa Singapore sa pagkamit ng isang matagumpay na eleksyon ngayong taon. Inaasahan namin ang aktibong partisipasyon ng ating Filipino Community dito sa Singapore. Maraming salamat po!