PRESS RELEASE | PR-060-2025
Kabayan, nakapagPRE-VOTING ENROLLMENT ka na ba? Nakapag-TEST VOTE ka na rin ba?
Sampung (10) araw na lamang ang natitira para makapag-test vote ang mga rehistradong Filipino overseas voters sa Singapore. Kung hindi ka pa naka-enroll, i-click lamang itong link: www.phinsg.com/prevotingenrollment
Paalala: Ang mga boto mula sa test voting ay hindi kasama sa opisyal na tala at hindi bibilangin. Ang test voting ay paraan upang mabigyang pagkakataon ang mga rehistradong botante na masubukan at maging pamilyar sa online voting para sa #Halalan2025.
Tanging ang mga registered overseas voters sa Singapore na nakapag-pre voting enrollment ang maaaring magtest voting at bumoto sa #Halalan2025 na gaganapin mula 13 April, 8:00 AM hanggang 12 May, 7:00 PM.
Simulan nang pag-isipan ngayon kung sinu-sino ang mga iboboto upang mas madali at mabilis ang pagboto online sa darating na overseas voting period.
DAGDAG PAALALA:
1. Sa paggawa ng inyong password, tiyakin na ito ay hindi bababa sa walong (8) characters, may pinaghalong malaki (uppercase letter) at maliit na letra (lowercase letter), numero (number) at special characters. (at least 8 characters, a combination of uppercase and lowercase, number and special character).
- Upang maging mabilis at maayos ang pagkuha ng litrato, tiyaking walang ibang tao sa likuran at may sapat na liwanag sa paligid.
