Mga kababayan, may 14 days pa hanggang sa 30 Setyembre 2024, ang huling araw ng overseas voter registration.
Huwag palalampasin ang pagkakataong makaboto gamit ang pinakaunang Internet Voting sa darating na 2025 national elections. Tandaan: ang pagboto ay isang karapatan at tungkulin.
Kung kayo o ang inyong kakilala ay hindi pa nakakapagpa-rehistro, yayain na sila sa Embahada. Bukas ang Embahada sa lahat ng natitirang Linggo ng Setyembre (22, 29) para lamang sa mga nais magparehistro bilang isang overseas voter sa Singapore. Passport lamang ang kailangang dalhin.
Upang malaman ang inyong voter status, maaaring gamitin ang ating Overseas Voting Information Form.
Mag-book na ngayon ng inyong appointment para makapagparehistro.