PRESS RELEASE | PR-092-2026
SINGAPORE, 31 March 2026 – Lubos na nagpapasalamat ang Embahada sa mga kababayan sa Singapore sa pakikilahok sa “Special Overseas Voter (OV) Priority Lane Para sa mga Kababaihan” nitong buwan ng Marso bilang pakikiisa sa 2026 National Women’s Month at bahagi ng serbisyo para sa mga kababaihan, na handog ng Embahada at COMELEC.
Sa buwan ng Marso, nagtala ang Embahada ng kabuuang 680 OV applicants. Sa bilang na ito, 580 (o 85%) ay mga kababaihang nagparehistro bilang overseas voter sa Singapore upang makaboto sa darating na halalan sa taong 2028.
Matagumpay na isinagawa ng Embahada ang Special Overseas Voter (OV) Priority Lane Para sa mga Kababaihan mula 6 hanggang 31 Marso 2026, Lunes hanggang Biyernes, kasabay ng regular na oras ng operasyon ng Embahada.
Patuloy pa rin ang OV registration hanggang 30 September 2027. Kaya sa mga kababayan na nais magparehistro o mag-update ng kanilang OV records, huwag magpahuli: mag-book na ng appointment para magpa-rehistro.
Dalhin lamang ang mga sumusunod:
- Valid Philippine Passport; OR
- Para sa mga seafarers: Seafarer’s Record Book (SRB);
- Para sa dual citizens: Original or certified true copy of Order of Approval of Filipino Citizenship or Identification Certificate.
- Sa mga magpapalit ng kanilang apelyido sa married name or magbabalik sa maiden name: PSA marriage certificate, annotated PSA documents, o iba pang valid supporting documents.
Bisitahin ang website ng Philippine Embassy para sa mga detalye ng Overseas Voter Registration: https://www.philippine-embassy.org.sg/overseas-voter-registration.



