PRESS RELEASE | PR-066-2025

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at ang Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat o National Book Development Board – Philippines, alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 (2015), nakikibahagi ang Pasuguan ng Pilipinas sa Singapore sa pagdiriwang ng National Literature Month o Buwan ng Panitikang Filipino ngayong buwan ng Abril.
Samahan kami sa pag-sikad ng #NLM2025!
Ang tema ngayong taon ay, “Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran”.
Mula sa pre-kolonyal hanggang sa makabagong panahon, nananatiling mahalaga ang panitikan sa pagtuklas ng identidad at pagpapalalim ng pag-unawa sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika. Ito ay naging susi sa pagbubukas ng isip, pagbuwag ng mga de-kahong pananaw, at pagpapalaganap ng mga kuwento ng pagpupunyagi. Sa pamamagitan nito, patuloy nating binubuo at pinayayaman ang kulturang pambansa – hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat.
Sikad Panitikan… para sa iba, para sa bayan.
========================================
Inaanyayahan namin kayong dumalo sa pagdiriwang na ito sa Biyernes, ika-10 ng Abril na gaganapin sa Programme Room 1, Central Public Library, 100 Victoria Street, National Library Board Singapore, mula 6:00 hanggang 8:30 ng gabi, upang makilala ang iba’t-ibangmanunulat mula sa Pilipinas at Singapore.
Pinamagatang “Voices of the Philippines,” ating tungahayan ang mga obra nina Claire Betita de Guzman, Jet Tagasa, Tracy Anne Ong, Douglas Candano, Migs Bravo Dutt, Felix Cheong at EIleen Tabios na talakayin nila Joyce Chua at Victor Ocampo.
Upang makasali, magpatala rito:
#NationalLiteratureMonth2025 #NLM2025 #SIKADPanitikan #PHinSingapore #DFAForgingAhead #SentroRizalSingapore