PRESS RELEASE | PR-075-2025
Mga kababayan, tatlong araw na lamang bago magsimula ang Philippine Overseas Voting para sa 2025 National Elections! Mayroong isang buwan o 30 days para makaboto sa #Halalan2025 na magsisimula sa darating na Linggo, 13 April, 8:00 AM at magtatapos ng Lunes, 12 May, 7:00 PM.
Sa mga nakapagenroll na sa www.phinsg.com/prevotingenrollment para sa online voting, napakadali at simple na lamang ang gagawin:
- Pumunta sa voting portal link na ipinadala ng COMELEC sa inyong mobile phone o email o magbukas ng browser at i-type ang voting portal (ov.comelec.gov.ph/vote).
- Mag-login gamit ang inyong email/mobile number at password na ginamit noong enrollment.
- Simulan na ang pagboto.
Sa mga hindi pa nakapapagenroll, huwag mag-alala at may panahon pa, kabayan! Ang voter information verification na ginagawa sa pre-voting enrollment ay hanggang Miyerkules, 7 May 2025.
Sa mga enrolled registered online voters, maaari na kayong bumoto sa #Halalan2025 kahit saang lugar o bansa man kayo.
Bilang isang responsableng mamamayan, tungkulin nating pagandahin at paunlarin ang ating bansa. Huwag natin sayangin ang pagkakataon na makilahok sa eleksyon dahil sa inyong pagboto nakasalalay ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
Check out the pdf file with clickable links.